Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald at Julia kanya-kanyang posts ng kanilang pagpi-fishing

VIRAL ngayon ang mga litrato ng mag-sweetheart na Gerald Anderson at Julia Barretto na nagpi-fishing sa gitna ng karagatan.

Ayon sa isang dyaryong Pinoy na Ingles at ayon kay Gerald na rin mismo, sa kontrobersiyal na West Philippine Sea naganap ang pangingisda nilang ‘yon ng love of his life na si Julia.

May isang kuha si Gerald na iponost n’ya mismo sa Instagram n’ya na ang caption ay: ”Enjoying the sunrise of our beautiful country in the West Philippine Sea.” 

Ibig sabihin safe naman pala, hindi naman pala delikado na pumalaot sa nagsabing karagatan. At may special privilege siguro si Gerald na pumalaot don dahil reservist Philippine Navy officer siya.

Hiwalay na pagpo-post ng mga litrato nila sa kanya-kanyang Instagram ang mag-sweetheart. At halos hindi sila magkasama sa mga ipinost nilang mga larawan sa kanya-kanyang Instagram.

Wala silang paliwanag kung bakit may drama silang kanya-kanya sila ng Instagram posts.

Parang may kasama silang isang grupo ng fans nila sa pangingisda na sakay ng isang yate na ang pangalan ay ‘di ipinakita. Pero nag-post sa sarili nilang Instagram ang mga fan na ‘yon at sa mga litratong ‘yon makikita na magkasama sina Gerald at Julia.

Wala pa sigurong iskedyul ng taping o syuting si Gerald kaya madalas silang magkasama ngayon ni Julia. Kahit nga noong Semana Santa ay nagkita sila at nakapunta pa si Gerald sa bahay ng pamilya ni Julia (na pinamumunuan ng ina n’yang si Marjorie Barretto) para i-celebrate ang birthday ng kaisa-isang kapatid ni Julia na si Leon (na ang ama ay si Dennis Padilla, na ama rin ni Julia; may mga kapatid si Julia na iba ang mga ama).

Parang laging maraming oras si Julia ngayon para kay Gerald dahil wala pa siyang mga project mula sa Viva Artists Agency na nilipatan n’ya mula ng matapos ang kontrata n’ya sa Star Magic ng ABS-CBN.

Malamang ay marami pang out-of-town dates na magagawa ang mag-sweetheart  na halos dalawang taon inilihim ang relasyon.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …