Saturday , November 16 2024

Bulacan COP, et al ‘nagsinungaling’ (Swak sa kasong administratibo)

SASAMPAHAN ng kasong administratibo sa IAS Camp Crame ang hepe ng San Ildefonso Police Station at mga tauhan nito dahil sa pagsisinungaling at pinalabas sa media at sa police report na kasapi ng “Basag Kotse Gang” ang isang pulis-Maynila ngunit ito’y taliwas sa katotoha­nan.

Pinalabas umano ng hepe ng San Ildefonso police na nagkaroon ng habulan dahil tumakbo patungong San Miguel, Bulacan si P/Cpl. Mark Edison Quinton matapos pumunta ang huli sa estasyon ng pulisya sa San Ildefonso.

Taliwas umano sa katotohanan ang sinabi ng hepe ng San Ildefonso police na si P/Lt.Col. Fiel at ng Bulacan Provincial Police na si PCol. Lawrence Cajipe, ito ang himutok ni P/Cpl. Quinton.

Ang totoong nangyari, ayon kay Quinton, dumating siya sa San Ildefonso police station at ang kapitbahay niya sa Tondo, Maynila noong gabing iyon.

Sinabi ni Quinton, magalang silang nagpakilala sa estasyon at humingi ng tulong para mahanap ang anak ng kapitbahay; nagpakita umano siya ng kanyang ID bilang pulis-Maynila at hindi totoo na nagpakilalang pulis ang kapitbahay niya.

Ani Quinton, nagpatu­­long ang kapitbahay nito dahil inaresto ang anak niya sa Bulacan at hindi alam ng tatay kung saan at anong dahilan.

Matapos magpakilala, sinabi ni Quinton na sinabihan sila ng mga pulis sa San Ildefonso na pumunta sa San Miguel, Bulacan dahil wala roon ang anak ng huli.

Kaya, sabi ni Quinton, ito ang dahilan kung bakit tumuloy sila sa San Miguel.

Pagdating sa checkpoint sa San Miguel, magalang rin silang humingi ng tulong mula sa mga pulis ng San Miguel para matagpuan ang anak ng kasama.

Idinagdag ni Quinton na kinausap din siya ng opisyal ng San Miguel at inaya siyang bumalik sa San Ildefonso.

Pagdating sa San Ildefonso, nagulat na lang si Quinton na ginawa na siyang suspek at inaresto sa paglabag sa ECQ.

Lingid sa kaalaman ni Quinton, nagpalabas ng police report ang mga pulis ng San Ildefonso, na ipinamigay ni P/Col. Cajipe sa mga kagawad media sa Bulacan.

Napaiyak na lang si Quinton nang mabasa sa mga diyaryo na pinamalitang siya ay kasapi ng Basag Kotse Gang.

Ani Quinton, dahil sa balita, ipinatawag siya ng Manila Police District at sinampahan ng administrative case.

Ang abogado ni Quinton ay si Atty. Berteni Cataluña Causing, abogado rin ng Hataw.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *