Saturday , November 16 2024
dead gun police

Provincial consultant na ex-CoS ng mister ni Assunta patay (Binaril sa Negros Occidental)

NAPASLANG ng mga hindi kilalang suspek ang isang provincial consultant for hospital operations sa labas ng Emerald Arcade sa Brgy. Palampas, lung­sod ng San Carlos, lala­wigan ng Negros Occiden­tal nitong Lunes, 12 Abril.

Kinilala ang biktimang si Mariano Antonio “Marton” Cui III, na idineklarang wala nang buhay nang dalhin sa ospital matapos tamaan ng bala ng baril sa dibdib.

Ayon kay P/Lt. Ruby Aurita, deputy chief  ng pulisya ng San Carlos, pasakay si Cui sa kanyang kotse dakong 8:00 pm nang barilin ng isang armadong lalaking sakay ng isang van.

Nabatid na nakaganti ng putok ang isa sa mga bodyguard ni Cui laban sa mga suspek nang biglang bumagsak ang biktima at dumaing na masakit ang dibdib mula sa tama ng bala.

Dagdag ni Aurita, maaaring hinintay ng mga suspek ang biktima na lumabas ng kanyang opisina para isagawa ang krimen.

Agad naglatag ng pursuit operation ang pulisya ngunti bigong mahuli ang mga suspek.

Nagtungo si P/Col. Romy Palgue, Negros Occidental police director, sa pinangyarihan ng insidente kamakalawa ng gabi upang tingnan ang progreso ng imbestigasyon.

Ani Aurita, wala pa silang lead sa pag­kaka­kilanlan ng mga suspek at titingnan din nila ang kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa gusali.

Nagsilbi si Cui bilang chief of staff ni dating 1st district Rep. Jules Ledesma sa lalawigan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *