SA PATULOY na pagtaas ng kaso ng CoVid-19 sa Filipinas, inianunsiyo ni CEO Jomerito Soliman, na naghanda ang My Med Rx Plus Corporation ng isang milyong tabletas ng Favipiravir Avigan at tatlong milyong tabletas ng Umifenovir Arbidol upang matulungan ang mga nangangailangang mga ospital at mga pasyente.
Ayon kay Soliman, makatutulong ang mga naturang gamot sa pagpapagaling sa halos 100,000 hanggang 200,000 pasyente.
Aprobado ang dalawang naturang antivirals na gamot ng Food and Drug Administration (FDA) sa ilalim ng Compassionate Permit.
Nabatid, matagal nang gamit ang Umifenovir Arbidol at Favipiravir Avigan sa mga bansang Japan, Russia, China, at Amerika.
Pitong taon (Umifenovir Arbidol) at 20 taong (Favipiravir Avigan) gamot laban sa matataas na uri ng lagnat.
Inirereseta na rin ang mga naturang antivirals drug sa mga ospital sa Metro Manila at sa mga probinsiya sa ilalim ng FDA Compassionate Permit.
Pinaalalahanan aniya ng National Bureau of Investigation (NBI) at FDA na bawal ipasok at ibenta ang nabanggit na gamot nang walang kaukulang permit.