Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

e-Konsulta ni VP Leni dinumog (Publiko walang masulingan)

ILANG oras matapos ilunsad ang libreng tele-consultation bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng atensiyong medikal sa gitna ng CoVid-19 pandemic, dumanas ng technical difficulty ang bagong serbisyong handog ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Ang Bayanihan E-Konsulta Facebook page ay inilunsad ng Bise Presidente kahapon, Miyerkoles, para makatulong sa mga outpatient cases sa Metro Manila at iba pang karatig lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Robredo, layon ng inisiyatibo na magbigay ng tulong medikal lalo sa mahihi­rap. Sa ilalim ng proyektong ito, maaaring magpalista para sa konsultasyon sa Facebook Messenger, kahit ang gamit ay free data.

“Ito pong ginagawa natin, attempt po ito na kahit paano makatulong tayo maka-decongest ng mga hospitals. Na iyong mga pasyente, whether COVID or non-COVID, na hindi naman kaila­ngang ma-hospitalize, at least kahit nasa bahay lang sila, mayroon silang medical help na matatanggap,” aniya.

Sa mga pagkakataon namang may emergency cases na kailangang agarang madala sa ospital, ire-refer sila ng OVP sa One Hospital Command, alinsunod sa kasalukuyang guidelines.

Ang inisiyatibo ay naging posible dahil sa tulong ng mga volunteer na doktor, health professionals, at iba pang mga Filipino na nakiisa.

Noong Martes ng gabi, nakapagtala ang OVP ng higit sa 2,300 volunteers para sa proyekto.

Ngunit kinahapu­nan, dinumog ito ng netizens hanggang dumanas ng technical difficulty ang Bayanihan E-Konsulta.

Agad din nag-alok ng tulong ang ilang netizens para sa tuloy-tuloy na serbisyo ng E-Konsulta. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …