NATANGGAP ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pinansiyal na ayuda mula sa national government para sa mga pamilyang naapektohan ng ehanced community quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng CoVid-19.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Doimagoso, Lunes ng gabi lamang, Abril 5, ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) ang naturang pondo.
Nagkakahalaga aniya ito ng P1.523 bilyong pondo.
Ayon kay Mayor Isko, agad nagpulong ang city council para mabilis na maibigay ang ayuda.
Una nang sinabi ng DBM na makatatanggap ng tig P1,000 ang bawat pamilya.
Bahala na ang lokal na pamahalaang magpasya kung cash o in-kind ang pamamahagi ng ayuda.