Sunday , November 17 2024

Ivana Alawi, handang humarap sa awtoridad sakaling kasuhan

MABUTI naman at ini-announce na ni Ivana na handa siyang harapin kung kasuhan siya ninoman ng umano’y labag sa batas na  ‘pamamalimos’ n’ya.

Anggulo lang ang posibleng demanda na ‘yon ng isang reporter sa isang tabloid (hindi ang HATAW). Anggulo ng isang reporter na posibleng kulang sa kaalaman pero gustong makapag-deadline sa editor n’ya (na pumatol naman sa anggulo n’ya para matapos na ang seksiyon n’ya sa dyaryo).

Ini-announce ni Ivana sa latest vlog n’ya ang pagiging handa sakaling may magdemanda sa kanya. Malamang ay batid naman n’yang hindi siya pwedeng kasuhan.

Kasi nga ay nagpanggap lang siyang namamalimos. Ni hindi nga siya mukhang pulubi noong nagpanggap siya.

Gumala lang siya nang ilang sandali sa kung saan-saan habang may hawak siyang papel na may nakasulat na nanghihingi siya ng tulong na makalikom ng pamasahe pauwi sa Baguio City. Ni hindi siya umupo sa kung saan mang kanto sa Metro Manila.

Kaya ipinagbabawal ng batas ang pamamalimos ay dahil nakakasagabal sila sa traffic (flow) ng mga tao at sasakyan. Sagabal sila sa bangketa. Kung may inaantok na driver, baka mabundol o masagasaan pa sila.

Kung napakarusing ng mga pulubi sa kalye, pagsususpetsahan sila na may sakit na pwedeng makahawa sa mga makakahalubilo nila. O baka may sakit talaga sila na nakakahawa.

Noong araw na “namalimos” si Ivana, may mga nagsabing ayaw nila siyang bigyan ng limos dahil ‘di naman siya marusing na marusing at ‘di naman mukhang pulubi.

Alam n’yo na siguro ngayon na ‘pag may “nagkamaling” magbigay ng limos, pinapalitan n’ya ng libo-libo ang iniabot sa kanya. Reward n’ya ‘yon para sa mga tao na kahit na pobre rin ay nagbibigay ng tulong sa mga mas pobre pa sa kanila.

Wala naman talaga siyang naistorbo sa “pamamalimos” n’ya.

Sana nga ay may gumaya sa kanya—vlogger man sila o hindi. ‘Di dapat pigilan ang mga gustong tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash. Kung masama ang ganoong gawain, dapat ipatigil na ang Wowowin ni Willie Revillame sa GMA 7.

Heto nga pala ang pahayag ni Ivana sa vlog n’ya noong April 3: ”Kung may nalabag akong batas, ‘di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yon. Lalaban ako.”

Meanwhile, tinupad pala ni Ivana ang pangako n’ya kay Joselito Martinez, the 58-year-old kakanin vendor she met during her pulubi prank. She said she went shopping with the old man two days after the release of her street prank video.

She showed some clips of her trip with the kakanin vendor. They had lunch together. She also bought him some home appliances, a motorcycle, and gave him what appears to be a check.

Ivana stressed that said she also had Martinez take a swab test for Covid-19 before they met again.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *