ANG big news tungkol kay Alice Dixson ay ang pagiging ina na n’ya for the first time sa edad na 51.
Nagkaanak siya sa second husband n’yang bigtime executive sa isang hotel chain at sa Boracay naka-assign ang mister n’ya.
“By surrogacy” siya nagkaanak. Kapareho niyong teknolohiya kung paano nagkaanak sina Korina Sanchez at Mar Roxas. At si Korina pa nga ang nagpayo sa kanya noon na magpa-freeze ng eggs n’ya para may magamit sa pag-aanak n’ya kung handa na siyang maging ina.
Sa Canada nakahanap si Alice ng surrogate mother para sa anak niya. Papabalik na siya rito, kasama ang baby nila na ang sex ay inililihim pa.
Mabuhay ang bagong ina na si Alice. At least, tuloy pa rin si Alice sa Legal Wives project n’ya sa Kapuso Network pagkatapos ng mabilisan niyang pangingibang-bansa para asikasuhin ang kanyang baby.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas