Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shawie worried na wala pang anak at asawa si KC

MAGKUKUWARESMA na pero ang dami pa ring nagaganap sa Pinoy Showbiz, sa industriya mismo at sa personal na buhay ng mga idolo natin.

Si Sharon Cuneta, tuwang-tuwa sa bago n’yang ampon na Aspin. Kahit nasa Olongapo pa ang Aspin na pinangalanan n’yang Pawi o Pawiboy, inorderan na n’ya sa Europe ng Louie Vuitton dog collar. Gagawin nga  n’ya kasing “prinsipe” ang Aspin na na ligaw sa syuting nila nina Marco Gumabao at Rossana Roces, ang Revirginized sa isang saradong beach resort sa Olongapo.

Napakaganda naman ng karma ng aso na ‘yon!

Pero apektadong-apektado si Sharon sa pagkaka-massive stroke ng close friend n’yang si Fanny Serrano na malamang na ospital magkukuwaresma. Ipanalangin po natin ang lubusang paggaling ni Tita Fanny.

Pinaglalaanan din ni Sharon ng panahon ang pag-iisip tungkol sa kinabukasan ng panganay n’yang anak na si KC Concepcion. Parang worried na worried siya na sa edad na 34 ay wala pang asawa at anak si KC.

Okey na lang nga raw sa kanya kung magkakaanak si KC by surrogacy. ‘Yung iba ang magbubuntis sa egg cell na magmumula kay KC at sa kung sino mang lalaki na mapupusuan n’yang maging sperm donor na pwedeng boyfriend n’ya o ‘di n’ya karelasyon.

Wala pang reaction si KC sa Instagram post na ‘yon ng kanyang ina bilang tugon sa comment ng isang netizen tungkol sa buhay ng mag-ina na bihirang magkita nang personal.

Okey lang kaya kay Sharon kung ang maging donor ng sperm cell kay KC ay ang rapper na si Apl. de Ap na paminsan-minsan ay napapabalitang latest boyfriend ni KC?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …