Wednesday , December 25 2024

If government won’t, God will provide…

SA KASALUKUYANG sitwasyon at kaganapan sa ating bansa, iisa lang ang itinatanong ng ating mga kababayan sa isa’t isa — saan tayo hahantong, saan tayo tutungo at kung hanggang kailan natin daranasin ang ganitong buhay na puro na lang kahirapan at sakripisyo.

Hindi natin inaasahan na ganito pala kahaba ang pandemyang dulot ng CoVid-19 na ngayo’y mahigit isang taon na at para bagang mas malupit ang dating kaysa ng unang bugso noong nakalipas na taon.

Ang buong akala natin ay nakararaos na tayo at malapit na nating lagpasan ang pahirap ng salot na virus ngunit mali pala ang ating sapantaha bagkus ay mas malakas pala ang dalang kamandag nito sa pangalawang pagkakataon.

Muling nagsara ang ilang kompanya at negosyo na naging dahilan ng kawalan muli ng trabaho ng marami nating mamamayan na ngayo’y nangangamba na muling magutom.

Sa muling pagtaas ng kaso ng CoVid-19, kinukutuban ang marami na baka hindi makayang sustenahan ng gobyerno ang pangangailangan ng publiko partikular ang pagbibigay ng ayuda, gamot at pagkain.

Kung sa bagay, malamang na tuyo na ang balon ng bansa bunga nga ng pandemyang mula pa noong 15 Marso 2020, nma medyo preparado pa at may impok pa ang kaban ng bayan.

May posibilidad na said na said na talaga ang kaban na atin namang nararamdaman, ‘di po ba? Mantakin ninyong sa kabila ng pagtaas ng kaso ng CoVid-19 nakukuhang buksan ng gobyerno ang ilang establisimiyento na kung tutuusin ay dapat na isara bilang pag-iingat sa pagkalat ng nasabing virus.

Maaari rin i-lockdown ang buong Filipinas dahil sa biglaang paglaganap nito.

Pero hindi nga puwedeng mangyari ito dahil wala na marahil itutustos at pagkukuhaan ang gobyerno kaya parang nagpatay-mali na lang, nagbulag-bulagan, at nagtaingang-kawali na lang, dinedma na lang ang banta.

Sa ating sitwasyon ay wala na tayong iba pang pagkukuhaan ng lakas kundi ang Poong Maykapal na alam naman nating hindi tayo puwedeng pabayaan.

Kung hindi na kaya ng ating gobyerno, mga dalubhasa at iba pang health workers, iisa lang ang puwedeng maging rekurso na walang iba kundi ang Panginoong Diyos.

Hindi ba’t ang mga taong may malubhang karamdaman at sinusukuan ng mga dalubhasa ay binibigyan ng taning ang buhay. Lalo ang mga hopeless at terminal case.

Ibig sabihin, hanggang doon na lang ang nakayanan ng mga tumitingin sa kanila. Ang kanilang pinag-aralan partikular sa larangan ng siyensiya ay hindi na puwede kung kaya’t isa na lang ang lalapitan at hihingan ng pag-asa. Siguradong kilala nating lahat kung sino Siya.

Walang ipinagkaiba sa kasalukuyang sitwasyong pinagdaraanan natin na dumaraing sa pagod at hirap ang mga kaibigan nating mga doktor, nurse, at mga namumuno ng ating gobyerno na parang gusto na rin sumuko at bumigay. Hindi rin sila puwedeng sisihin dahil tao lang.

Kung sakaling hindi maging matagumpay ang ating gobyerno sa kanilang programa laban sa pagsugpo ng CoVid-19, malaki talaga ang posibilidad na panghinaan sila ng loob at tuluyan nang umayaw.

Pakatandaan natin na hindi sila puwedeng sisihin dahil sila ay hamak na tao lang na may karapatan sa anomang gusto nilang gawin at mangyari sa kanilang buhay.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa, tayo’y manalig, manampalataya dahil mananatili siya sa ating likuran bilang gabay sa buhay nating tatahakin.

Siyento por siyento na hindi siya bibigay at susuko sa sitwasyong darating pa sa ating buhay.

If government won’t, God will provide.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *