Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
deped Digital education online learning

Maayos na pagpapatupad ng DepEd Computerization Program tiyakin — Gatchalian

KAHIT ilang ulit nang ipinagkaloob ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Education (DepEd) ang mga kinom-piskang gadgets upang makatulong sa distance learning, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang kagawaran na tiyakin ang mabilis at maayos na pagpapatupad ng sarili nitong computerization program.

Layon ng DepEd Computerization Program (DCP) na maglagay ng mga angkop at kinakailangang tekno­lohiya para mapunan ang kakulangan ng mga computer sa mga pam-publikong paaralan.

Ito ay upang mapa-husay ang proseso ng pag-aaral at pagtuturo.

Sa ilalim ng pro-grama, dapat magkaroon ng computer laboratory packages sa bawat high school, e-classroom sa bawat elementary school, at laptop sa mobile teachers.

Sa ilalim ng 2021 national budget, may halos anim na bilyong (P5.9) pisong nakalaan para sa DCP. Ngunit may ilang mga hamong kina-kaharap ang pagpapa-tupad ng programa na ayon kay Gatchalian ay dapat tugunan ng DepEd.

Ayon sa Commission on Audit (COA), halos animnapung (59.43) porsiyento lamang ang naabot ng programa sa target nito mula 2015 hanggang 2019. Ibig sabihin, mahigit walong libo (8,523) lamang sa mahigit labing-apat na libong (14,342) target na paaralan ang naka­tanggap ng information and communications technology (ICT) pack-ages.

Ayon sa COA, ma-higit tatlong bilyong (P3.2) piso ang ibinayad sa ilang suppliers noong 2019 kahit may kulang pa sa documentary require-ments. Batay sa inspek-siyon ng komisyon, may ibang mga paaralang hindi pa handang makatanggap ng ICT packages. (N. ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …