Sunday , November 24 2024

ARMC sa Marikina, 80% full capacity sa COVID-19 patients — Dr. Mateo

NASA 80 porsiyentong full capacity para sa mga pasyenteng positibo sa CoVid-19 ang Amang Rodriguez Medical Center, sa lungsod ng Marikina.

Ayon kay Dr. Imelda Mateo, ARMC Chief, nasa 76 ang admitted, 70 ang kompirmado, at anim ang suspected patient, habang walo pa ang naghihintay sa emergency room na maiakyat sa CoVid ward.

Ani Dr. Mateo, aminado siyang wala nang paglalagyan sa ward kaya karamihan ay nasa emergency room.

Dagdag ng medical chief, nag-activate na rin sila ng One Hospital Command Center para makatawag at makapagpasaklolo sa ibang pagamutan upang ilipat ang ibang pasyente.

Ngunit nakalulungkot umano, sa dalawa hanggang tatlong referrals sa malalapit na pribadong pagamutan ay puno na rin ng mga pasyenteng positibo sa CoVid-19.

Payo ng doktor sa mga pasyenteng may mild symptoms ng CoVid-19, mag-isolate sa bahay at bantayan ang progression ng mga sintomas.

“Ayaw namin makipagsiksikan pa sila sa emergency room kaya kung may minor na maramdaman sa tingin n’yo CoVid positive kayo o na confirm kayo, tawagan n’yo ang mga doktor n’yo, you go on hotline, ‘yung access online para ma-advise po kayo kung ano’ng tamang gawin. Importante kasi na makuha natin sa early stage para hindi po dumating sa punto na iospital pa kayo o maging kritikal,” pahayag ni Dr. Mateo.

(EDWIN MORENO)

 

About Ed Moreno

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *