NAGLABAS ng abiso ang San Agustin Church na isasailalim ang simbahan sa lockdown simula nitong 21 Marso, nang mamatay sa CoVid-19 ang parish priest ng simbahan.
Suspendido “until further notice” ang operasyon ng Parish Office habang ang access sa simbahan at kombento ay hihigpitan.
Sa ulat, kinilala ang pari na si Fr. Arnold Sta. Maria Canoza, parist priest ng San Agustin Church.
Nasawi si Fr. Canoza noong Linggo nang tamaan ng coronavirus, ayon sa facebook post ng Agustinian Vicariate of the Orient.
“Sa Agustin Church and the Convento de San Agustin Intramuros will be on lockdown starting today. Access to the church and convent will be restricted, and operations at the Parish Office will also be suspended until further notice.”
Humiling ng panalangin ang simbahan sa pagkamatay ni Fr. Canoza.