Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Pia sa pagiging ‘yes girl’sa BF: it’s a gradual decaying of your soul

MAGANDANG pagtatapat ‘yung ginawa ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach tungkol sa karanasan n’ya sa pag-ibig noong bata pa at ‘di pa sumasali sa mga beauty pageant.

May panahon pala na nagpakahibang siya sa isang boyfriend n’ya at naging sunod-sunuran. Kahit alam n’yang mali at laban sa kalooban ang iniuutos sa kanya ng boyfriend niya (na ang pangalan ay ‘di n’ya binanggit) sinusunod n’ya. Parang wala talaga siyang respeto sa sarili n’ya noon.

“Hindi ako lalaban kahit alam kong mali. I didn’t really have a voice,” pagkukuwento ni Pia sa March 11 episode ng Spotify podcast na  Between Us Queens, na nagtatampok sa kanya at sa dalawa pang dating beauty queens na sina Carla Lizardo at Bianca Guidotti.

“Before this whole pageant thing, before Miss Universe, before Binibini, I was a very different person,” pag-amin pa ni Pia ngayong 31 years old na siya.

Pati nga ang pamilya n’ya, mga kaibigan, at career n’ya ay ‘di n’ya gaanong pinahalagahan noong panahong ‘yon.

“Mas pinili ko ‘yon kaysa ‘yung trabaho ko, kaysa career ko. Mas pinili ko siya kaysa hanging out with friends. Mas pinili ko siya over spending time with family, as in parang naging mundo ko siya,” pag-amin n’ya.

Buti naman at natauhan siya isang araw.

“I gave it everything, all of my time, my efforts, my heart and then napagod ako. One day, I just woke up and I left,” lahad n’ya. At noong ginawa n’ya ‘yon, noong iniwan n’ya ang lalaki, P100 ang pera n’ya sa wallet.

Kongklusyon n’ya: ”Hindi pwedeng ‘yes girl’ tayo palagi.” 

Pahabol pa n’ya: ”Sometimes breakups don’t end in big fights, but a gradual decaying of your soul, so it is best to leave some love for one’s self.”

Ngayong open na open na si Julia Barretto tungkol sa relasyon n’ya kay Gerald Anderson, si Ellen Adarna sa pag-iibigan nila ni Derek Ramsay, siguro naman ay may itinitira silang respeto at pagmamahal sa kanilang sarili. Siguro naman ay sinusunod din ito ni Kim Chiu sa relasyon n’ya kay Xian Lim. 

Sana ay ganoon din si Angelica Panganiban sa bago n’yang non-showbiz boyfriend.

International Women’s Month pa rin ngayon kaya magandang ipaalala sa mga kababaihan na may iba pang aspeto ng buhay nila ang dapat nilang kapantay na pahalagahan habang nagmamahal sila ng lalaki (o kapwa babae).

Obviously, balanse na ang buhay ni Pia. Parang napakaayos at napakalinaw ng pag-iisip n’ya, masigla at abala sa maraming aktibidad, habang hinihintay n’ya ang pagdating sa bansa ng banyagang businessman na si Jeremy Jauncey.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …