Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Pagbubukas ng ekonomiya imposibleng talaga sa kasalukuyang sitwasyon

IMPOSIBLE at komplikado yata ang pagbubukas ng ekonomiya sa sitwasyong kinakaharap ng ating bansa.

Hindi yata angkop ang anunsiyo ng Malacañang na kailangan na raw buksan ang ekonomiya sa lalong madaling panahon sa kabila ng banta ng CoVid-19 sa ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan, padami nang padami ang mga kababayan nating nagkakaroon o kinakapitan ng virus sanhi umano ng hindi pagsunod sa health protocol.

Bukod pa rito ay hindi rin maiaalis ang bugso at volume ng mga taong nagsabay-sabay na lumabas ng lansangan.

Ito marahil ay sanhi rin ng pagluluwag ng quarantine at mga patakarang ipinasusunod ng ating gobyerno na hindi mo rin naman puwedeng sisihin.

Kagaya nga ng ating nabanggit, kailangan na rin talagang buksan ang ekonomiya ng ating bansa para naman makabangon matapos ang isang taong iba’t ibang antas ng lockdown dahil sa pandemic dulot ng CoVid-19.

Ngunit sa pagtaas nga ng bilang ng mga tinamaan ng CoVid-19, may mga bagong patakaran na namang ipinatutupad ang ating gobyerno partikular ang mga local government unit (LGUs).

Muli na namang naghigpit sa pagpapasunod ng mga alituntunin na tila taliwas sa pagbubukas ng ating ekonomiya.

E paanong susulong ang ating ekonomiya kung mayoridad na naman ng ating barangay ay sarado at naka-lockdown bunsod ng pagdami o pagtaas umano ng bilang ng mga biktima ng CoVid-19.

Bukod pa rito, ibinalik na naman ang unified curfew partikular sa National Capital Region (NCR) mula 10:00 pm – 5:00 am.

Napakarami namang rekesitos at mga papeles na hinihingi at dapat ipakita sa mga awtoridad na alam naman nating napakalaking abala.

Natural na apektado rin ng curfew ang mga sasakyang pampubliko na dapat sakyan ng ating mga kababayan upang makarating sa kanilang pinagtra-trabahuan, ‘di po ba?

Iyan ang ilan sa rason kung bakit imposibleng magbukas ang ating ekonomiya kasabay na naman ng mga patakarang muling ipinapatupad ng ating gobyerno.

Masyadong maraming komplikasyon sa dalawang panig na nais mangyari ng ating gobyerno kung kaya’t sumasakit na ang ulo ng ating mga kababayan kung ano ba talaga.

Isa-isa lang dapat ang implementasyon dahil mahina pa ang kalaban na maaari rin bumigay kapag hindi na nakayanan ang sitwasyon.

BAGONG ENKARGADO NG ALVAREZ POLICE DETACHMENT, INIIYAKAN NG VENDORS

Iniiyakan o nag-iiyakan ang mga vendor sa mga lugar na nasasakupan ng Alvarez police detachment sa Sta. Cruz, Maynila.

Labis na iniinda ng mga vendor ang umano’y ‘mataas na tarang’ hinihingi sa kanila ng bagong enkargado ng nasabing detachment.

Kinilala ang bagman na isang alyas King na kauupo bilang enkargado ng Alvarez detachment.

Naging triple agad anila ang hinihinging tara nitong si alyas King na labis nilang ininda at dinamdam.

Paano pa raw nilang mababahagian ang kanilang mga pamilyang umaasa rin sa kanila kung sa intelihensiya lang mapupunta ang kanilang kinikita?

Umaasa silang mauunawaan at maiintindihan din sila ni alyas King,, na ibang klaseng magdikta at umano’y manggipit sa kanila mulang nang sumalta sa Alvarez.

Ang Alvarez police detachment ay nasa ilalim ng Manila Police District – Sta. Cruz Station (MPD-PS3) na pinamumunuan ni Lt. Col. John Guiagui, samantala isang Bossing Villanueva ang may hawak umano sa Alvarez detachment.

Bagman alyas King, baka naman masira pa ang magandang pangalan na itinaguyod ni Col. Guiagui dahil sa mga kalokohan mo.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *