Saturday , November 16 2024

Romblomanon kinalampag ang Sandiganbayan sa kaso ng kanilang kongresista

NANANAWAGAN ang grupo ng concerned  Romblomanon sa Sandiganbayan na lutasin ang kaso laban sa incumbent congressman ng lalawigan na si  Eleandro Jesus Madrona, nahaharap sa  graft charges sa anti-graft court.

Ayon sa Romblon Alliance Against Corruption and Dynasty (RAACD) na pinamumunuan ni journalist Nick Ferrer, si  Madrona at dalawa pang ranking provincial agricultural employees ay may ilang taon nang naka-pending na graft charges sa Sixth Division ng Sandiganbayan.

Sinabi ng grupo, ang huling pagdinig sa kaso ay noon pang 2019 at hindi na nasundan ang mga pagdinig na nakatakda sa pagitan ng Marso hanggang May 2020, na-postpone dahil umano sa “CoVid-19 pandemic.”

Samantala, noong nakaraang Mayo 2020, ang anti-graft court ay hindi man lang nag-reset ng kahit isang pagdinig sa kaso, na naging advantage sa mga akusado partikular kay Madrona na naghahangad ng reelection sa 2022, ani Ferrer.

Ang graft charges laban kay Madrona ay isinampa noon pang 2004 ni dating Romblon, Romblon Vice Mayor Lyndon Molino. Si Madrona ay governor ng Romblon noon.

Bumalik si Madrona sa politika noong 2019 elections bilang kinatawan ng lone district ng lalawigan, habang si Molino ay nahalal na municipal councilor ng bayan ng katulad na taon.

Ang kaso laban kina Madrona ay iniakyat sa Sandiganbayan noong 2017 matapos makitaan ng  Office of the Ombudsman ng “probable cause” na paglabag sa Anti- Graft and Corrupt Practices Act.

Isa sa mga co-accused ni Madrona ay dinismis sa serbisyo ng Ombudsman.

Noong 5 Agost0 2019, sinuspende ng Sandiganbayan si Madrona ng 90 araw tungkol sa kinakaharap niyang graft case kaugnay ng  kuwestiyonableng pagbili ng fertilizers noong 2004 na nagkakahalaga ng P4.8 milyon.

Sinabi ng Sandiganbayan na ang kaso laban kay Madrona ay ‘valid.’

Ang RAACD member and advertising executive na si Arlyn Servañez ay umapela sa anti-graft court na bilisan ang paglutas sa graft case.

Nabuko ng Commission on Audit (COA) ang katiwalian sa transaksiyon na “grossly disadvantageous to the government.”

Sinabi nina Servanez at Manila-based newspaper publisher Joey Venancio, ang Romblon populace ay naghihintay ng desisyon ng korte dahil malapit na naman ang filing ng certificate of candidacy para sa 2022 elections, “in which we want to learn from the anti-graft court if Madrona is qualified to seek any government position if he is found guilty.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *