ISINAILALIM sa lockdown ang legislative building sa lungsod ng Parañaque simula ngayong araw ng Martes hanggang sa 21 Marso.
Ayon kay Ding Soriano, administrator ng Parañaque City Hall marami ang nagpositibo sa korte kabilang ang sheriff court personnel at iba pa.
Sa ngayon ay wala pang ibinigay na datos ang Parañaque local government unit (LGU) kung ilan ang bilang ng mga nagpositibo sa Parañaque.
Sa anunsiyo ni Dr. Olga Virtusio, City Health Officer ng Parañaque, isinailalim sa disinfection ang Local Civil Registrar, Comelec, Office of the Mayor, City Council Offices, at tanggapan ng Technical Working Group.
Ito’y para maiwasan ang pagkalat at hawaan ng CoVid-19 sa mga nabanggit na tanggapan.
(JAJA GARCIA)