Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi kilig sa magic abs ni Ben Alves

SUBOK na ang chemistry nina Lovi Poe at Ben Alves sa screen dahil ilang beses na rin silang nagkasama mapa-telebisyon o pelikula. Kaya naman sa Owe My Love, natural na ang spark  ng mga karakter na ginagampanan nila na sina Sensen at Doc Migs.

Hindi na rin naiilang pa si Lovi sa paghirit ng mga biro sa kanyang co-actor sa serye. Sa kanyang social media post, humirit pa ang Kapuso actress na: “In fairness talaga kay papa Ben. May magic.”

Agad namang na-gets ng netizens ang biro ni Lovi: ”Magic abs” na agad kinompirma ng OML actress: ”Natumpak mo ang magic na tinutukoy ko!”

Parehong mahilig mag-work-out sina Lovi at Ben at minsan nga ay nai-share nila sa isang interview na sinisimulan nila ang araw nila sa set sa pamamagitan ng pag-e-exercise. Bukod sa health benefits, tila effective rin sa pagpapaganda ng serye ang positive outlook ng dalawa dahil gabi-gabing sinusubaybayan ang OML.

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng cast sa pag-portray ng kani-kanilang role. Nariyan ang mainis na ang viewers sa kasamaan nina Divina (Jackie Lou Blanco) at Trixie (Winwyn Marquez). Lahat kasi ay gagawin ni Divina, mapunta lang sa kanya ang kayamanan ng mga Alcancia—kahit ikapahamak pa ito ni Lolo Badong (Leo Martinez). Pero tila nawawala na naman si Lolo Badong dahil sa pag-atake ng kanyang dementia. Para mabawasan ang pag-aalala ni Migs (Benjamin), sasamahan siya ni Sensen (Lovi) sa paghahanap kay Lolo Badong na ikagagalit naman ni Trixie.

Naku, ano na naman kaya ang problemang haharapin ni Sensen? Ang kanyang tatay naman na si Oryo (Pekto Nacua), talaga bang ‘changed man’ na? Sana naman dahil ang dami ng sakri­pisyo ng kan­yang anak na si Sensen at ng kanyang asawang si Coring (Ruby Rodriguez). Ano naman kaya ang mangyayari kina Gwaps (Buboy Villar) at Evs (Kiray Celis)? May aamin na nga ba? Eh ang pagmamahalan nina Jenny Rose (Jelai Andres) at Eddie (Jon Guttierez), hanggang saan kaya makakarating ngayong nabuko na nila ang kanila-kanilang tunay na pagkatao at estado sa buhay?

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …