Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ivana pinuri sa pagkakaroon ng golden heart

I NFLUENCER full of beauty and purpose.” ‘Yan ang isa sa mga pinaulan ng netizens na papuri sa sexy celebrity na si Ivana Alawi na sa wakas ay nakaisip din ng prank (biro) na may saysay at kabuluhan.

Sa latest vlog ng Pinay-Moroccan, ibinunyag n’yang nagpanggap siyang pulubi at iba’t iba ang idinadahilan n’ya kung bakit siya namamalimos. At sa bawat magbigay ng limos, agad n’ya itong pinapalitan ng higit na mas malaking pera.

‘Pag piso ang ibinigay, P1,000 ang kapalit. ‘Pag P10, P10k ang kapalit. May isang mama na napadaan lang sa isang gasolinahan na ipinabarya pa ang pera n’ya lang malimusan ang “pulubi.”

Sampung piso ang ibinigay ng mama, kaya’t P10,000 ang ipinalit ni Ivana.

May isang magpuputo na pinalitan ni Ivana ng P20K ang P20 na limos sa kanya. Una muna ay binibili ni Ivana ng puto roon mismo sa mama ang P20 na inilimos sa kanya. Inalok pa siya ng mukhang lolo nang mama na ibibili ng softdrinks o tubig man lang.

Tumanggi si Ivana na ibili pa siya ng kung ano. Sa halip ay inalok ni Ivana ng P20K ang matanda na tumatanggi pa sanang tanggapin ‘yon.

May isang mama na binigyan siya ng P2 kaya pinalitan n’ya ng P2K. Nakita ‘yon ng isang babaeng tindera na tumangging maglimos sa kanya at inggit na inggit ang ale roon sa mama.

Sinubukan ng ale na makahingi rin kay Ivana at nagdahilan pa itong kaya ‘di n’ya naisip na maglimos ay dahil malinis naman ang itsura nito bilang isang “pulubi.”

Hindi naman nakipagtalo si Ivana sa kanya. Maayos na nagpaalam lang ang vlogger na may 12 milyon nang subscribers doon sa ale.

Hindi namin natapos panoorin ang mahaba-habang vlog ni Ivana kaya ‘di namin nabilang kung ilan lahat ang nabigyan n’ya ng pera.

Kuwento n’ya sa kanyang vlog kung bakit n’ya naisip na gawin ang pagpapanggap na ‘yon: ”Kasi araw-araw ‘pag lumalabas ako may nakikita akong mga taong kumakatok sa bintana, nanghihingi, may dala pang bata minsan, may dalang matanda. Kasi mahirap talaga ang buhay at dumoble pa ang hirap noong nagka-pandemya tayo. Gusto ko maranasan ano ‘yung feeling nila and also rewarding the people who helped out.”

Alam naman ni Ivana na ang bawat ginagawa ng isang tao na kabutihan para sa iba ay ibinabalik din ng Diyos.

Paliwanag at pakiusap n’ya sa madla. ”In life kapag nagbigay ka sa mga taong nangangailangan, laging ibinabalik ni Lord ‘yun,” she maintained. 

“Please let’s help out our kababayans and let’s help out Philippines ’cause I believe we will be a better country. I hope this video inspires you na tumulong in your own small way sa ating mga kababayan.”

Of course, the comment section was immediately filled with positive feedback, mostly praising Ivana for her “golden heart.”

“Faith in humanity restored,” one comment read.

“May this vid become a trend. Not only in socmed but also in real life regardless of our social status,” another added.

Habang isinusulat namin ito, mahigit isang milyong tao na ang nag-view ng vlog ni Ivana. At ang dami na ring kumopya ng vlog n’ya at ang mga kumopyang ‘yon ay iponost din sa You Tube channel nila na parang sila ang may kuha niyon.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …