Friday , March 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Covid-19 Bulacan

Bulacan, walang community transmission ng UK at South African variants

INILINAW ng pama­halaang panlalawigan ng Bulacan na wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng kahit anong CoVid-19 variant partikular ang UK at South African variants.

Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na tatlong returning overseas Filipino workers (OFWs) sa Bulacan na positibo sa bagong variant ng CoVid-19, dalawa ay may UK variant at isang may South African variant nang sila ay dumating sa bansa mula sa Middle East noong Pebrero 2021.

Dalawa sa kanila ang walang sintomas o asymptomatic at ang isa ay may mild o bahagyang sintomas na ubo at sipon. Isinailalim sila sa quarantine period pagdating sa bansa sa pamamagitan ng OWWA Quarantine Operations.

“Nakatapos ng quarantine period ang returning OFWs nang lumabas ang resulta ng genome sequencing o ang proseso na isinasagawa upang malaman ang CoVid-19 variant,” ani Celis.

Dagdag niya, “Kahit recovered, mabilis pa rin naisagawa ang contact tracing at na-identify ang close contact at ang muling pag-quarantine sa mga returning OFWs gayondin ang pagsasagawa ng RT-PCR test sa mga close contact na negatibo ang lumabas na resulta ng karamihan sa kanila. Habang ang isang nagpositibo na close contact ay isasailalim din sa genome sequencing.”

Kaugnay nito, nakatakdang i-swab test ulit ang dalawang pasyente na nagkaroon ng UK variants sa 15 at 19 Marso bilang extra precaution.

Ani Gob. Daniel R. Fernando, “sinusubay­bayan natin ang sitwasyon dito sa Bulacan at mahigpit na minamatyagan ang mga kaso lalo sa mga bayang malapit sa Metro Manila. Magpapatuloy din ang ating selective lockdown sa mga pook o sitio na magtatala ng mataas na kaso. Ito ay isinasagawa lamang natin alang-alang sa kaligtasan ng publiko.”

Dagdag niya, “sa araw na ito, ako ay mahigpit na nananawagan ng sama-samang panalangin sa ating makapangyarihang Diyos. Una sa lahat, habang ‘di pa completely natatapos ang pagbabakuna, paigtingin ang pagpapatupad ng minimum health standards, mag-ingat po tayo at huwag na huwag magpabaya. Huwag pong ipagwalang bahala ang minumum health standards (face mask, face shield, physical distancing). Sa patnubay ng Diyos, ang health protocols na ito ang nagligtas sa ating buhay at ang pagpapabaya dito ay mangangahulugan ng ating kapahamakan.”

Paalala ng BMC at Provincial Health Office Public Health na maging mapanuri sa mga lumala­bas na impormasyon sa social media. Iwasang mag-share ng unverified information. Bukod dito, pagsunod sa minimum health standards pa rin ang pinakamabisang paraan upang makaiwas sa kahit anong variant ng CoVid-19.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …

Kuwento ng pepatriated nurse mula Bahrain TAKOT SA GITNA NG GERA, PANIBAGONG HAMON SA PAG-UWI SA BANSA

Kuwento ng pepatriated nurse mula Bahrain
TAKOT SA GITNA NG GERA, PANIBAGONG HAMON SA PAG-UWI SA BANSA

MAKIKITA ang mga opisyal at staff ng Philippine Embassy – Bahrain, Department of Migrant Workers …