Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-amin ni Gerald kay Boy — unplanned

BAGAMAT itinatanggi ni Boy Abunda na hindi naman n’ya pinilit si Gerald Anderson na aminin na ang relasyon nila ni Julia Barretto, inaamin n’yang “ini-stalk” n’ya si Gerald sa mga Instagram post nito at sumugod siya sa taping ng actor ng seryeng Init sa Magdamag, na isa ang aktor sa pangunahing bituin.

“It was totally unplanned,” pagtatapat ng TV host tungkol sa pag-amin ni Gerald. Kay Dolly Ann Carvajal, kolumnista ng dyaryong Ingles na Inquirer, onilahad ni Boy ang pagtatapat na ‘yan.

Sa interbyu ni Boy kay Gerald para sa online show n’yang The Boy Abunda Talk Channel sa Internet, ipinahayag ng batikang talk show host na kusang napadpad na lang sa relasyon nila ni Julia na matagal na nilang pilit na inililihim.

Lahad ni Boy: ”But of course, I did my homework and ‘stalked’ him on Instagram. I visited him on the set of ‘Init sa Magdamag’ and we talked about other things. 

“As the interview went on, I just took the cue from Gerald. I went to where he led me to.”

Deretsahang tinanong ni Dolly Ann, panganay na anak ng yumaong “Queen of Talk Shows” na si Inday Badiday (na kilala rin bilang si Ate Luds), kung naniniwala siya sa pahayag ni Gerald na ‘di nito basta iniwan na lang si Bea Alonzo (at “ghosting” ang sikat na tawag sa ganoong klaseng pakikipaghiwalay).

Matalinong sagot ni Boy: ”It’s not my job to judge. My job is to ask the right questions, listen and treat my guests well. 

“For me, no interview is more important than a relationship. I respect Gerald’s truth. That’s his version of the story. 

“Besides, how much do we know about their love story, except the parts they share publicly? So, we are in no position to critique. Silang dalawa lang talaga ang nakaaalam ng buong kuwento.”

Hirit na tanong pa ni Dolly Ann: ”What’s your reaction to Bea’s post about ‘time being the ultimate truth-teller’?”

Napakadisenteng tugon ni Boy: ”I respect Bea’s truth, as well.”

Dapat lang naman, ‘di ba?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …