Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko on Sharon-Marco — a very smart move

LOADED ang column ni Dolly Ann noong Linggo. Itinampok din n’ya ang interbyu n’ya kay Senator Kiko Pangilinan, mister ni Sharon Cuneta.

Ni katiting ay wala umanong pagtutol ang mabunying senador na Oppositionist sa paggawa ng misis n’ya ng napaka-daring na pelikulang  Revirginized na idinirehe ng kontrobersiyal at agaw-pansing si Darryl Yap.

Excited pa nga ang senador na bihirang ma-excite sa mga desisyon at kilos ng mga taga-Malakanyang. Saad nya: “I am very happy and excited for her (Sharon). This very different role gives her the chance to move out of her comfort zone and do things differently. A reinvention of self that will hopefully catch the attention of her audience.”

Wala ring nakikitang masama ang senador sa pakikitambal ng misis n’ya kay Marco Gumabao na higit na mas bata kaysa megastar.

Husga ni Senator Pangilinan: ”It’s good because it helps her reach a wider audience across generations. It will give millennials a chance to get to know her more and see how fine an actor she is. I believe it’s a very smart move.”

Tung­kol naman sa kung may pinag­selosan na siyang leading man ng misis n’ya, pagbubunyag ng senador: ‘Wala talaga. Jealousy is not healthy in a relationship, and it’s a hindrance to Sharon’s professional growth. 

“Trust is basic in any relationship if it is to last, and that’s why I don’t get jealous.”

Alam na natin ngayon na walang bahid ng oposisyon si Sen. Pangilinan sa bahay nila ng megastar.

Samantala, baka patapos na ang syuting ng Revirginized. Malapit-lapit na sigurong maglabas ng mga litrato nina Sharon at Marco na nagkakarinyohan o nasa isang kama.

Siguradong hindi pa rin mag-o-oppose ang magiting na senador sa mga larawang ‘yon.

Abangan na rin natin ang ididisenyo ni Darryl na poster para sa  Revirginized. Siguro naman, hindi mala-Tililing ‘yon.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …