Saturday , November 16 2024
shabu

Delivery rider timbog sa droga

TIMBOG ang 40-anyos delivery rider nang mabuko na may dalang malaking halaga ng ilegal na droga, sa ikinasang “Oplan Sita” ng mga opearatiba ng Las Piñas police, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District, director P/Brig. General Eliseo Cruz, ang suspek na si Mark Gil Terrobias, delivery rider ng kilalang delivery service company sa Gatchalian Subdivision, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Dakong 9:00 pm nang pahintuin ng grupo ni P/Col. Rodel Pastor, nagsasagawa ng Oplàn Sita, ang motorsiklo ni Terrobias sa Plaza Quezon, sa Real St., Brgy. Elias Aldana, sa lungsod.

Nang rekisahin, natagpuan sa pag-iingat ng rider ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 10.7 gramo, nagkakahalaga ng P72,760.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

(JAJA GARCIA)

 

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *