NAGSANIB-PUWERSA muli ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa Marso 22.
Sa ikatlong pagkakataon, buo pa rin ang suporta at tiwala ng FDCP sa SPEEd, pati na rin sa EDDYS, ng pamunuan ni Chairperson at CEO Liza DinÞo.
Virtual idaraos ang 4th EDDYS na magtatagisan ng galing at husay ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa kabila ng Covid-19 pandemic.
Labing-apat na kategorya ang paglalabanan, kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actress, at Best Actor.
Worldwide ito mapapanood sa pamamagitan ng streaming sa iba’t ibang platforms, tulad ng SPEEd Facebook page, sa YouTube channel ng mga miyembro ng SPEEd, at sa official FDCP channel (fdcpchannel.ph).
Bukod sa FDCP, ang iba pang katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 4th edition ng Entertainment Editors’ Choice ay ang Beautederm Corporation Inc., Toktok courier service/delivery app (major sponsor), San Miguel Corp., Tiger Crackers, Smart Shot, Speaker Allan Lord Velasco, Raffy Tulfo, Willie Revillame, at Cong. Nina Taduran ng Patrylist na ACT-CIS.
Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang mamamahala sa pagbibilang ng mga boto para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS.
Sa Lunes, Marso 15, ilalabas ang listahan ng mga nominado sa acting at technical categories.
Bukod dito, ilulunsad ng SPEEd ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng grupo na si Isah V. Red.
“This recognition is given to individuals like him — a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who beyond the realm of entertainment has so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way,” ayon sa SPEEd President na si Ian FarinÞas.
Unang tatanggap ng IVR award sina Senator Bong Revilla Jr., Angel Locsin, Kim Chiu, Ramon Ang, Rei Anicoche-Tan, at Claire de Leon-Papa para sa kahanga-hanga at walang katulad na pagbabahagi ng tulong sa mga Filipinong naapektuhan ng global health crisis.
Ang EDDYS Icon awardees naman ngayong 2021 ay sina Gloria Sevilla, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina ParenÞo, Dante Rivero, Tommy Abuel, Caridad Sanchez, Joel Lamangan, at Ricky Lee.
Samantala, ang recipients ng EDDYS special awards na Joe Quirino Award ay ang TV-radio host-columnist na si Lolit Solis; Manny Pichel Award, entertainment columnist Mario Bautista; Rising Producers’ Circle, Blacksheep Productions; Producer of the Year, The IdeaFirst Company.
Bibigyan naman ng posthumous recognition sina Peque Gallaga, Tony Mabesa, Menggie Cobarrubias, Ramon Revilla Sr., at Tony Ferrer.
Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalidad na pelikula.
Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio