Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia-Gerald nagpakita na sa publiko

I-BASH man sila nang i-bash netizens, dapat ituloy-tuloy nina Julia Barretto at Gerald Anderson ang pagpapakita sa publiko. Magsasawa rin ang bashers nila sa paglaon at makakahanap din ang mga ‘yon ng ibang panggigigilang laitin.

Pero sana naman tumigil na sa pamba-bash ang mga netizen bago sila ma-bad karma ‘pag naubos na ang magandang karma nila sa mga kabutihang iniisip at ginagawa nila sa araw-araw. Baka ‘yung bagong strain pa ng Covid ang dumapo sa kanila.

Sabi nga ng iba mas apektado pa sila kaysa kay Bea Alonso nang simulant na nina Julia at Gerald ang pagharap sa madla bilang sweethearts na matagal na ipinagkaila ang relasyon.

Kung bad karma man ang ginawa nilang paglilihim, baka maliit lang ‘yon dahil wala naman talaga silang seryosong napinsala sa paglilihim nila. Maaari ngang matabunan ng mga malalaking kabutihang nagawa nila ang maliit na bad karma sa pagkakaila ng relasyon nila.

Nagsimula na ngang magkasamang humarap sa “maliit na publiko” sina Julia at Gerald noong March 6. Nagdala sila ng mga ayuda sa Aeta families na naninirahan sa Lupang Pangako Resettlement sa Barangay San Agustin, Iba, Zambales.

Kahit 300 pamilya ang nakatira roon, masasabing “maliit na publiko” ‘yon. And, actually, hindi naman sina Gerald at Julia mismo ang nag-post sa Instagram ng pagkakawanggawa kundi ang Philippine Coast Guard (PCG) public information office.

Auxiliary officer si Gerald ng PCG at may ranggo siya na Lieutenant Commander kaya sinuportahan ng organisasyon ang relief operations  na bahagi ng pagdiriwang ni Gerald ng kanyang 32nd birthday noong March 7.

Ang PCG ang naglabas ng balita tungkol sa pamamahagi nina Gerald at Julia ng bigas, mga de-lata, noodles, biscuits, kape, at hygiene supplies sa mga kababayan nating Aetas.

May mga naniniwala na may kinalaman ang kanyang 32nd birthday kaya inamin na ni Gerald sa publiko ang pagmamahalan nila ni Julia.

Mensahe ni Gerald sa mga pamilya ng dinalhan nila ng ayuda, as quoted by the PCG in it’s Instagram”Nagpapasalamat ako kasi kasama ko kayo sa birthday ko. Sana, nakapagbigay ng kaunting saya sa inyo ang pagbisita namin dito.

“Hiling ko rin na maging partner kami ng komunidad na ito sa mga susunod pang pagkakataon,” mensahe ni Gerald na inilabas ng PCG.

Katuwang din ng PCG at ni Gerald sa pagtulong sa mga nangangailangan ang World Vision Philippines.

Ayon sa PCG,  “Gerald is one of the most active Auxiliary volunteers, specifically in conducting humanitarian assistance operations which is one of the core mandates of the PCG.”

Mula pa noong pananalanta ng bagyong Ulysses, agad nangunguna si Gerald sa pag-oorganisa ng relief campaign tuwing may naaapektuhang natural calamities, ayon pa rin sa PCG.

“Amid the country’s fight against the COVID-19 pandemic, LCDR Anderson tapped the Coast Guard K9 Force for the swift construction of temporary quarantine tents for the frontline medical 

“He also provided tents for PCG frontliners who are managing the day-by-day operations of quarantine facilities for returning overseas Filipinos located at Pier 15, Port Area, Manila,” pag-uulat pa ng PCG.

Actually, halos ‘di nababalita agad  ang mga pagtulong ni Gerald. Malaking good karma ang dulot ng mga ganoong kawanggawa.

Samantala, noong March 7, nag-post si Julia ng maikli ngunit sweet na birthday greeting para sa kanyang “love” sa Instagram.

Nag-post ang aktres ng kanilang sweet photo na hinahalikan n’ya si Gerald sa pisngi.

Saad ni Julia sa caption, ”Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful [white heart emoji]. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …