Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Healthcare providers sa Bulacan, bisa ng DATs para sa TB sinuri

BIRTWAL na tinipon ng proyektong Adherence Support Coalition to End TB (ASCENT) ang mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan sa lalawigan ng Bulacan kasama ang iba pang may kinalaman sa pagsugpo sa TB sa lokal, rehiyon at sentral na antas ng National Tuberculosis Control Program (NTP) upang suriin ang pagtugon ng digital adherence technologies (DATs) sa pangangailangan ng mga pasyente at gayon din ang nagkaloob nito kamakailan.

Ang ASCENT, proyektong ipinatutupad ng KNCV sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at mga lokal na pamahalaan sa Bulacan at Pampanga ay sumusuporta sa paggamit ng (i) medication sleeve, tinatawag din na 99DOTS, (ii) smart pill box o evriMED device, at (iii) video-observed treatment na kilala rin sa sureAdhere sa 46 ural health units at mga ospital sa dalawang lalawigan.

Ayon kay Mona Lisa Morales, ASCENT Regional Technical Officer, papalapit na sila sa ikaapat na buwang implementasyon ng DAT kung kaya muli nilang binisita kasama ang 80 dumalo, ang tatlong basic features ng DAT, rekomendasyon upang higit itong mapalawig, masuri ang support messages sa bawat DAT, kaibahan ng bawat care pathway at pagsunod sa mga aspekto ng platform/Everwell Hub.

“In general, the participants found the DATs features acceptable and provided valuable recommendations to enhance it. These will be shared with KNCV in the Netherlands and further discussed with the partners in the project implementation review in May 2021,” ani Morales.

Samantala, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando, habang patuloy ang pagbabakuna kontra CoVid-19 sa unang grupo ng mga frontliner sa Bulacan, hindi pa rin dapat balewalain ang banta ng TB.

“Tuberculosis is a major public health problem in the country not only in Bulacan, kaya laging buo ang suporta natin sa mga programa para hindi na ito makahawa at maging sanhi ng kamatayan ng ating mga kababayan, kasi naiiwasan at nagagamot naman ang TB, ‘wag lang tayong matakot magkonsulta sa doktor,” anang gobernador.

Bukod dito, ayon sa World Health Organization (WHO), nasa isang milyong Filipino ang aktibong may TB at bagaman pangatlo sa may pinakamataas na bilang sa mundo kasunod ng South Africa at Lesotho ay mayroong lunas, nananatili itong nangunguna sa pinakanakamamatay na nakahahawang sakit.

Araw-araw, nasa 70 ang namamatay sa bansa sanhi ng TB habang marami ang nagkakaroon ng multi-drug resistant tuberculosis na mas mahirap at mas mahal ang gamutan.

Ang proyektong ASCENT Philippines ay bahagi ng inisyatiba para sa limang bansa kabilang ang Ethiopia, South Africa, Tanzania, at Ukraine na makagawa ng nasusukat, abot kaya, evidence-based, at gamutang nakasentro sa kaalaman ng pasyente sa DAT laban sa TB. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …