PINAHIHIGPITAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpapatupad ng health protocols sa kalsada at mga barangay.
Kasunod ito ng ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasama si MPD Director P/BGen. Leo Francisco at mga station commander na ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols upang matigil ang tumataas na bilang ng kaso ng CoVid-19 sa lungsod.
Inatasan ng alkalde si Manila Barangay Bureau director Romeo Bagay na i-lockdown ang alinmang barangay na patuloy ang paglobo ng CoVid-19.
Kinakailangan aniyang makipag-ugnayan sa alkalde para sa security plan.
Inatasan rin ni Isko na umikot ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na magsisilbing tagasita o CoVid-19 marshals laban sa mga pasaway sa kalsada.
Ang naturang utos ay gagawin nang tuloy-tuloy lalo sa susunod na dalawang linggo.
Ani Mayor Isko, ipinag-utos sa ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ihanda ang pagde-deliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso sa 700,000 pamilya sa buong Lungsod.