Saturday , November 16 2024

2 resto bars sa Makati ipinasara ni Mayor Abby

IKINANDADO ng Makati city government ang dalawang high-end bars dahil sa paglabag sa general community quarantine (GCQ) protocols.

Ipinasara ang ang Movida Fashion Food + Club at ang Royal Club, sa General Luna St., at Burgos St., sa Barangay Poblacion, Makati City, makaraang ipag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay, dahil sa patuloy na paglabag sa health protocols.

Layunin nitong madisiplina ang mga lumalabag at mabigyan ng proteksiyon ang interes ng mga lehitimong negosyo, at ang publiko.

Nitong Biyernes, sinalakay ang dalawang resto bars ng Poblacion Police Community Precinct (PCP) nang humingi ng assistance ang Makati Public Safety Department dahil sa nasaksihang walang social distancing ang mga kustomer.

Nasa 70 ang sinitang kustomer na pawang tinikitan para sa multang P1,000 sa paglabag sa ordinansa ng lungsod.

(JAJA GARCIA)

 

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *