Saturday , November 16 2024
Parañaque

Parañaque City magdaragdag ng health workers (Sa mabilis na pagtaas ng CoVid-19)

MAGDADAGDAG ng health workers ang Parañaque City Health Office sa hangganan ng Pasay City kasunod ng paglobo ng bilang ng mga Covid-19 cases sa nasabing lungsod nitong mga nakalipas na linggo.

Ito ang mahigpit na direktiba ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kay City Health office chief, Dr. Olga Virtusio.

Para sa paghahanda sa pagbabakuna ng lokal na pamahalaan gamit ang AstraZeneca na dumating sa bansa nitong Sabado.

Ang Ospital ng Parañaque ang unang ospital na gagamit ng AstraZeneca at si Virtusio ang unang tuturukan.

Nakarating sa Alkaldeang balitang mga opisyal ng barangay Tambo, Baclaran, Vitalez, Merville at Sun Valley na naging mabilis ang pagkalat ng CoVid-19  sa kalagitnaan ng Pebrero 2021.

Nakapagtala ang Brgy. Tambo noong 20 Pebrero ng anim at biglang umakyat sa 40 pagsapit ng 6 Marso o sa loob ng 14 araw.

Sa Brgy. Baclaran, ang pinakamalapit sa boundary ng Pasay, may 35 aktibong kaso sa kasalukuyan, na dating nagtala ng 17 kaso noong 25 Pebrero, may average na tatlong aktibong kaso kada araw.

Naitala sa Brgy. Sun Valley, ang tatlong kaso nitong 27 Pebrero, na tumaas naman sa 31 o karagdagang 28 kaso pagsapit ng 6 Marso.

Aminado si Olivarez na tumataas ang bilang ng tinatamaan ng virus at dumarami rin ang  naoospital sa Parañaque, tulad ng ibang lungsod sa Metro Manila.

Inilagay sa high-risk category ang lungsod ng Pasay matapos isailalim sa localized enhanced community quarantine ang nasa 77 barangay, na bbatay sa datos ay may attack rate na 26.87 percent positive individuals per 100,000 population.

Muling ibinabala ng OCTA Research Group ang mabilis na pagkalat ng CoVid-19 sa ilang lungsod sa Metro Manila.

Malaki ang paniniwala ng alkalde na ang poor compliance sa health protocols ang contributing factor sa pagtaas ng CoVid-19, tulad ng sinabi ni Health Secretary Francisco Duque.

Sa relatibong nang­yayari, iniutos ng Alkalde sa mga opisyal ng baragay at sa pulisya ng Pasay na mahigpit na ipatupad ang quarantine guidelines.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *