Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P7-M ‘bato’ natiklo sa delivery boy sa Cebu

NASAMSAM ang isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkaka­halaga ng P7,000,000 mula sa isang 36-anyos boy sa Brgy. Ermita, sa lungsod ng Cebu, nitong Sabado, 6 Marso.

Kinilala ang suspek na si Carlo Magno Tude, nadakip sa ikinasang buy bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Cebu City Police Office (CCPO) pasado hatinggabi kama­lawa.

Nabatid ng pulisya na nagtatrabaho si Tude bilang isang delivery boy ng isang courier company at mayroon umanong posibilidad na ginagamit ang kanyang trabaho upang mapagtakpan ang mga ilegal na gawaing may kinalaman sa droga.

Dagdag ng mga awtoridad, inamin ni Tude na galing ang supply ng droga mula sa isang Allen Ramas Badajos, na kasalukuyang nakapiit sa Cebu City Jail dahil sa kasong may kaugnayan sa droga na nadakip sa isang buy bust operation noong 2016.

Ani Tude, may naghahatid sa kanyang bahay ng droga at sa kanya umano ito ipahahatid sa kliyente saka siya babayaran ng P5,000 kada delivery.

Ayon kay P/Maj. Jonathan Taneo, hepe ng CDEU, kayang magbenta ni Tude ng P40-milyong halaga ng shabu kada linggo.

Sa kanilang transak­siyon, pumayag ang suspek na bentahan ang poseur buyer ng 50 gramo ng shabu na nagkaka­halaga ng P340,000.

Dagdag ni Taneo, isinumbong sa kanila ang mga ilegal na gawain ni Tude sa pamamagitan ng Facebook Messenger at tumagal ng tatlong linggo ang surveillance bago naikasa ang buy bust.

Ayon kay P/Col. Josefino Ligan, hepe ng Cebu City Police Office (CCPO), pinakamalaking halaga ng droga ngayong taon ang nasamsam nila mula kay Tude.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …