Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex ng momshie ni Mariel arestado sa boga at damo

IPINAHULI sa awtoridad ang dating kinakasama ng ina ng sikat na host/actress na si Mariel Rodriguez sa BF Homes, sa Parañaque City, nitong Linggo.

Sa inisyal na ulat ng BF Homes Police Sub-Station 5, ipinahuli si Baldwin Brent Cruto Co, ng Ayala Alabang, ng kaniyang dating kinakasama na si April Sazon Ihata,  matapos manggulo sa loob ng kaniyang bahay sa El Grande St., BF Homes dakong 10:00 am.

Napag-alamang humingi ng tulong sa mga barangay tanod ng BF Homes si Ihata dahil sa pagwawala ng suspek sa loob ng kaniyang bahay.

Makalipas ang ilang oras ng pag-uusap ng dalawa, nakombinsi umanong umalis ang suspek ngunit nang kukunin na ang kaniyang bag, napansin na may nakabukol na hugis baril.

Imbes iabot, ininspeksiyon muna ng mga nagrespondeng pulis ang bag ng suspek na nakitaan ng isang kalibre .45 baril na may magazine, may limang bala, at isang plastic sachet na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana.

Isinuko sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek para sa ihahaing kaso na paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearm and ammunition) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Inaalam ang impormasyon kung si Co ang may nakabinbin na kasong carnapping at estafa sa warrant section.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …