Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Liwanag sa dilim

KAHIT paunti-unti ay nakakakita na ng liwanag sa dilim ang mga Pinoy matapos ang isang taon pakikipagsapalaran sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Ang liwanag na ito ay sumisimbolo ng pag-asa sa kabila ng mga hirap at sakripisyong dinanas sa salot na virus na dumapo sa ating bansa.

Nabuhayan ng loob ang ating mga kababayan sa pagdating ng bakunang puwedeng makasugpo at panaban man lang sa pesteng CoVid-19.

Sa pagdating ng mga bakuna mula sa China, nagkaroon ng positibong pananaw ang mga Pinoy na umaasang malapit na nating malagpasan ang krisis.

Minimithi ng isa’t isa na ito na sana ang maging hudyat upang makabangon muli ang mga napahirapang Filipino sa panahon ng pandemya.

Harinawa’y umandar na ang ekonomiya na lumubog bunga ng mga negosyo’t kompanya na napilitang magsara sanhi ng virus.

Sana’y bumalik na nga naman sa normal ang lahat kabilang ang mga trabaho, hanapbuhay at negosyo na matagal din nahimlay.

Ang mga bakunang ito ay lumalabas na ating liwanag sa kabila ng mahabang panahon ng kadiliman na para bang wala nang pag-asa’t kata­pusan.

Maraming kaba­bayan natin ang nagalak, lumakas ang loob at muling umasa na malapit na nating lagpsan ang krisis na ito.

Muling nanum­balik ang dating sigla ng mga Pinoy na dati’y binalot na ng takot at pangamba ang mga puso dulot ng pandemya.

Ang pagpapabakuna ay pinangunahan ng ilang lider ng ating bansa kabilang ang ilang miyembro ng gabinete at mga prominenteng tao sa ating lipunan.

Ang hakbang na ito ay upang mawala ang takot at pangamba ng ating mga kababayan na hanggang sa kasalukuyan ay nagdadalawang isip pa rin.

Sa ngayon ay mayroon tayong 600,000 doses ng bakunang Sinovac na gawa at donasyon ng bansang China bilang tulong na walang inaasahang kapalit.

Hinihikaya’t ng ating gobyerno ang sambayanan na magparehistro upang mabakunahan na sa lalong madaling panahon.

Sinabi rin nila na ligtas at aprobado ng World Health Organization (WHO) ang Sinovac. Huwag na nga naman mag-alinlangan pa dahil ito ay pa rin sa sarili nilang kapakanan.

Maraming iba pang tatak ng mga bakunang gawa sa iba-ibang bansa ngunit ang lahat ay ligtas at dumaan na sa lahat ng pagsubok.

Hindi nga naman ito aaprobahan ng WHO kung hindi ligtas at magkakaroon ng masamang epekto sa mga tao, sentido komon lang nga naman.

Ito na ang liwanag at hudyat upang muli tayong maka-galaw, makabangon at umusad. Ito na rin ang takda upang bumalik sa dati ang kalakaran sa ating bansa.

Ito na ang liwanag na ating minimithing maaninag matapos ang matagal na panahon na tayo’y nasa kadiliman. Sana’ maresolba na ang krisis na ito na halos isang taon din tayong pinairapan, hindi lang tayo kundi ang buong mundo.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *