Saturday , November 16 2024

Imbakan ng bakuna ng Zuellig ipagagamit sa Parañaque LGU

NAGKASUNDO ang Zuellig Pharmaceutical-Philippines, sa bodega nila ilalagay ang paparating na 200,000 doses ng AstraZeneca, sa huling bahagi ng ikalawang quarter ng 2021, para hindi na problema ng Parañaque City government ang pag-iimbakan ng CoVid-19 vaccines.

Nilagdaan ang master services agreement sa pagitan nina Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Danilo Cahoy, ang Pangulo at General Manager ng Zuellig para sa logistic services sa mga bakunang ipamamahagi sa 18 barangay ng lungsod.

Inaasahang darating ang AstraZeneca sa huling bahagi ng second quarter o sa pagpasok ng Hulyo.

Ayon kay Olivarez, nakapagbayad na ng 20% advance ang lokal na pamahalaan na nagkaka­halaga ng P250 milyon.

Siniguro ng alkalde, nasa 500,000 bonafide residents ng Parañaque ang matuturukan.

Prayoridad, aniya, ang health workers, essential service workers, security, traffic personnel, at senior citizens, na nasa 59,000.

“Zuellig’s storage has a capability of up to 70 degrees centigrade. From the airport the vaccines will be brought to their storage and to our vaccination centers here in the City,” paliwanag ni Olivarez.

Ang head office at warehouse  ng Zuellig  ay matatagpuan sa West Service Road, South Superhighway, Barangay Sun Valley, 10-minute drive  lang mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang  Parañaque National High School Main; San Antonio Gymnasium; Barangay Don Bosco Mental Health Facility, at City Health Office; at ang Ayala Mall ang inihandang vaccination centers ng lungsod.

Bukod sa Parañaque ay mayroon sa Santa Rosa City, Laguna, Cebu, at Davao ang cold chain facilities ng Zuellig. May kapasidad ang cold warehouses na 629 million vaccine doses sa temperaturang 2-8 degrees Celsius.

Nagkaroon kamakai­lan ng karagdagang 10 ultra-low freezers ang Zuellig para umalalay sa 14 cold chain storage facilities na may kapasidad paglagyan ng 7 milyong doses na may negative 70-negative 80 degrees celsius.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *