Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN YT Channel, nangunguna

Ang ABS-CBN Entertainment na pala ang na­ngungunang YouTube channel sa buong Southeast Asia matapos nitong maitala ang pinakamaraming subscribers at pinakamaraming views sa lahat ng channels sa rehiyon.

Noong Pebrero, umabot sa 32.7M subscribers at higit sa 43B views ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ayon sa global video measurement at analytics platform na Tubular Labs.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga naka-subscribe sa aming YouTube channel at patuloy na nanonood ng ABS-CBN entertainment shows online. Ibinabahagi namin ang pagkilalang ito sa lahat ng aming mga Kapamilyang patuloy na minamahal at sinusuportahan ang aming mga palabas. Patuloy kaming gagawa ng mga kuwento at karanasang nagbibigay ng saya at inspirasyon at maghahanap pa ng mga paraan para maabot at mapaglingkuran ang aming mga Kapamilya,” pahayag ni Cory Vidanes, chief operating officer for broadcast ng ABS-CBN.

Marami pang aabangang bagong palabas ang subscribers ng channel ngayong taon, sa pagdating ng mga teleseryeng Huwag Kang Ma­ngamba, La Vida Lena, tagalized episodes ng Count Your Lucky Stars ni Jerry YanInit sa Magdamag,  at Almost Paradise, ang pinakaunang American TV series na kinunan sa Pilipinas at co-produced ng ABS-CBN.

“Malaking bahagi ng tagum­pay ng aming YouTube channel ang Kapamilya Online Live dahil doon umaasa ang ating mga Kapamilya na hindi kami napapanood sa TV. Nagpapasalamat kami sa aming subscribers na laging nakaabang sa mga paborito nilang programa,” sabi ni Richard Reynante, ABS-CBN digital content publishing head.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …