Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Scrap collector timbog sa shabu

NABUKO ang 36-anyos scrap collector (magbabakal) na prente ang pagbebenta ng ilegal na droga matapos hulihin ng mga awtoridad sa Makati City, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police Chief P/Col. Harold P. Depositar, ang suspek na si John Lawrence Peña, scrapper, ng Laperal Compound sa Bernardino St., Guadalupe Viejo, Makati City.

Hinuli ng pinagsanib na pu­wer­sa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Field Unit (RFU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Poblacion Sub-Station 6 ng Makati Police matapos mabilhan ng P18,000 halaga ng shabu.

Base sa ulat , ikinasa ng mga operatiba ang Oplan Paglalangsag Omega (Buy-Bust Operation); Oplan Salikop;  at Oplan BIG-BERTHA sa Progreso St., Barangay Guadalupe Viejo, Makati City dakong 10:20 (27 Pebrero) na nakuha rin ang dalawang baril ang suspek.

Napag-alaman na ang nakuhang baril mula sa suspek ang baril ay isang government issued model na caliber .45 Colt Pistol na may serial no. 1356156, bukod pa sa isang 12 gauge homemade pistol.

Nakompiska rin ang mga bala para sa mga nasabing baril at magazine at nabawi ang buy-bust money na P17,000 boodle at P1,000 genuine.

(JAJA GARCIA)

 

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *