TINIYAK ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, 70 porsiyento ng healthcare workers ng lungsod ang walang dudang magpapaturok ng Sinovac vaccine mula sa bansang China.
Kasabay nito, hinimok ng alkalde ang 30 porsiyento ng mga health workers, imbes hintayin ang ibang brand ng vaccine ay magpabakuna na rin sila.
Higit na mahalaga umanong mayroong proteksiyon sa katawan upang makaiwas sa nakamamatay na virus na hindi alam kung kailan mahahawaan o tatamaan ang isang tao.
Kasado na rin aniya ang vaccine program ng lokal na pamahalaan kahit naghihintay pa sa bakuna.
Dagdag ni Teodoro, ngayong Lunes (1 Marso) darating ang may 500,000 AstraZeneca vaccine mula COVAX, habang nitong Linggo (28 Pebrero) dumating ang Sinovac vaccine.
(EDWIN MORENO)