LAGING pasok sa trending list tuwing Linggo ang reality kiddie singing competition ng GMA Network na Centerstage dahil sa mas tumitinding labanan ng aspiring Bida Kids.
Sa nakaraang episode, bilib na bilib ang Kapuso viewers sa pinakabagong grand finalist na si Colline Salazar dahil sa kanyang powerful performance ng kantang Memory.
Umani ito ng positive feedback mula sa netizens na talaga namang nakatutok sa kani-kanilang mga tahanan.
Inuulan din ng papuri ang programa online dahil sa husay ng concept pati na rin ang galing ng mga host at judges.
Sey ng mga manonood sa social media, ”Sulit ang panonood ng Centerstage! The set, the talented kids and the versatile at gwapong host!”
Dagdag pa ng iba, “Kudos to Centerstage for giving equal opportunities to kids.”
Samantala, excited na rin ang Centerstage fans sa grand reveal ng kanilang virtual set na first time masasaksihan sa Philippine TV.
Simula February 28, gagamit na ng makabagong teknolohiya ang show para patuloy na maghatid ng world class entertainment para sa mga Kapuso.
Buong pagmamalaki ni Alden Richards, ”Another first na naman ‘to, another breakthrough ng GMA, the first television show to use a virtual set. ‘Yung virtual set kailangan abangan nila ‘yan.”
Huwag na huwag palalampasin ang mas pinabonggang Centerstage simula sa Linggo, Pebrero 28, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA-7.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda