Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspendidong pulis dinukot sa Maynila

INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District (MPD) ang insidente ng pagdukot sa isang suspendidong pulis sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41 anyos, dating nakatalaga sa MPD Station 7 Tayuman PCP, at residente sa Alley St., Brgy. 601 Sta Mesa, Manyila.

Sa report, nangyari ang pagdukot 10:05 am sa V. Mapa Extension Brgy. 601 Sta Mesa, Maynila.

Ayon sa reklamo ni Mary Ann Gervacio, 31 anyos, live-in partner ni Tesoro, sapilitang tina­ngay ng limang armadong lalaki ang kanyang asawa.

Sa ulat, sakay ang mga suspect ng dala­wang SUV na kulay black, walang plate number, may apat na sakay na armadong mga lalaki at isang babae.

Patuloy ang isinasa­gawang imbestigasyon sa motibo ng pagdukot at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Samantala, blanko pa rin ang MPD sa kina­roroonan ng isang pulis-Maynila na dinukot noong 18 Pebrero 2021 sa Binondo, Maynila.

Sa text message ni MPD Director BGen. Leo Francisco, hanggang ngayon patuloy pa silang naghahanap ng mga CCTV hindi lamang sa Maynila kundi sa National Capital Region (NCR) kung saan posibleng dumaan ang sasakyan na ginamit sa pagdukot kay Corporal Allan Hilario.

Sinabing nakatalaga si Hilario bilang police assistance desk ng MPD-Station 11 nang dukutin ng hindi bababa sa limang katao na pawang mga armado saka ipinasok sa puting AUV.

Mag-isa lamang si Hilario na naka-duty nang mangyari ang insidente kaya isa rin ito sa pinaiimbestigahan ni Francisco nang kuwes­tiyonin ang kawalan ng ‘buddy’ sa kanyang duty.

Ayon kay Francisco, dapat laging may kasama o buddy ang bawat pulis sa kanilang deployment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …