UMABOT sa 95 households na tinamaan ng coronavirus o CoVid-19 sa 55 bbarangay na isinailalim sa localized enhanced community quaratine nang tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa CoVid-19 sa lungsod ng Pasay.
Sinasabing nagkahawaan ang nasa 95 kabahayaan na apektado ng CoVid-19 sa 55 barangays kaya inaalam kung bagong variant ito dahil sa bilis ng transmission.
Sa impormasyon ng Public Information Office chief (PIO) Jun Burgos, inilinaw nito na hindi lockdown ang termino kundi localized enhanced community quarantine per househould dahil pawang magkakasama sa bahay ang nangyaring hawaan ng sakit.
Base sa ulat ni Pasay City Epidemiology and Surveiilance Unit (CESU) Head Miko Llorca, kabilang sa LECQ ang barangay 28, 29, 32, 40, 57, 58, 66, 68, 71, 76, 81, 95, 98, 100, 107, 109, 118, 122, 132, 135, 136, 143, 155, 156, 159, 162, 175, 177, 178, 183, 190, 192, 201, 171, 7, 8, 14, 20, 26, 36, 51, 59, 65, 74, 90, 96, 99, 110, 111, 116, 131, 161, 188, 193, at 194.
Binubuo ng 201 barangays ang lungsod sa loob ng 20 zona at 2 distrito.
Itinaas sa 55 barangays mula sa 34 barangays kamakalawa ang isinailalim sa LECQ na ibinatay sa tatlong bilang ng kaso pataas.
Sa Barangay 183, sinabi ni Kagawad Richard Torrico, may 25 kaso na nasa 12-13 pamilya na halos magkakamag-anak ang kanilang barangay na pawang inilipat na sa isolation facility.
Dalawa naman ang naka-home quarantine na isang senior citizen at isang buntis.
Kabilang sa nagpositibo ang isang 4-buwang gulang na sanggol at ina nito na asymptomatic.
Kahapon magkatuwang ang mga kinatawan ng CESU at Pasay PNP sa pag-inspeksiyon sa Barangay 183 kung saan naitala ang malaking bilang ng nagpositibo sa virus upang alamin kung nasusunod ang itinakdang health protocol ng IATF.
(JAJA GARCIA)