Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie at Aljur hiwalay na nga ba?

MUKHANG hiwalay na ang mag-sawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Ito ay batay sa halos sunod-sunod na Instagram posts ni Kylie na mahiwagang nagpapahiwatig ng mapait na karanasan sa piling ng isang tao at pagdedeklara ng kalayaan mula sa tao na ‘yon na ang pangalan ay ‘di n’ya binanggit.

Nagsimula ang mga misteryosang post ng anak ni Robin Padilla sa pahayag na, ”I am submissive, not stupid.” Umabot ‘yon sa simpleng “FREE.”

Sa dalawang posts na ‘yon ay may mga paskil na larawan ni Kylie na kasama ang dalawang anak nila ni Aljur na naglalakad sa isang village, hindi kasama ang aktor, at larawan ng isang kamay n’ya na walang suot na wedding ring.

Actually, ilan sa mga post n’ya ay binura na n’ya pero may ilang netizens na nakapag-save ng screenshot ng mga ‘yon, at inire-repost. Lahat ng mahiwagang post ni Kylie ay sinadya n’yang ‘di pwedeng lagyan ng comments ng madla.

Binura rin ni Kylie sa Instagram account n’ya ang lahat ng posts n’ya na may mga litratong magkasama sila ni Aljur.

Samantala, ang isang mistulang ebidensiya na hiwalay na ang mag-asawa ay ang biglang pagpo-post ni Aljur sa Instagram ng litratong nagro-rosaryo sa loob ng kotse.

Ang caption n’ya sa litrato ay madalas siyang magdasal ngayon. Naka-tag ang nakababatang kapatid n’yang kapwa aktor na si Vin Abrenica, dahil si Vin ang nagpahiram sa kanya ng rosaryo.

Posibleng epekto lang ng kwarantina ng pandemya ang pinagdaraanan nina Kylie at Aljur. Bago nag-alsa-balutan si Kylie, kasama ang dalawang anak nila, parang laging nasa bahay lang nila si Aljur dahil wala siyang showbiz at endorsement projects.

Baka umabot sila sa punto na ‘di sila makahinga sa mahahabang gabi at araw na lagi silang magkasama.

‘Pag na-miss na ni Kylie ang mister n’ya, malamang na gumawa siya ng paraan na maayos na makabalik sa tahanan nila ni Aljur.

Pero kung tuluyan na silang maghihiwalay, sana ay magawa nila ‘yon  ng walang-kinikimkim na sama ng loob at muhi sa isa’t isa. May mga nagsasabing ang umaapaw na sama ng loob at muhi ang totoong dahilan ng kanser at iba pang mga misteryosong karamdaman.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …