Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
red tide

‘Red tide’ kumulay sa dagat ng Ozamiz

NANGAMBA ang mga residenteng naninirahan sa baybayin ng mga barangay ng Triunfo at San Roque, sa lungsod ng Ozamiz, lalawigan ng Misamis Occidental, nang makita nilang nagkulay pula ang dagat sa kanilang lugar nitong Linggo ng hapon, 21 Pebrero.

Nagmistulang kulay dugo ang bahagi ng dagat, at ang kulay ay hindi pa rin nawawala hanggang araw ng Lunes, 22 Pebrero.

Paliwanag ni Jessie Chris Apales, tagapag­salita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Misamis Occidental, walang dapat ikabahala ang mga residente dahil bahagi lamang ito ng natural phenomena na namumukadkad ang mga tinatawag na cyanobacteria at red algal blooms o mas kilalang red tide.

Sa tuwing magkaka­roon ng algal bloom, nag-iiba umano ang kulay ng tubig dahil sa rami ng pigmented algae cells.

Karaniwang makiki­tang kulay ng tubig na may algal bloom ang kulay berde, pula, brown o dilaw.

Patuloy pang pinag-aaralan ngayon ng ahensiya ang rami ng mga biotoxin na nasa dagat na posibleng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …