Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Napikon sa inoman nanaksak ng katagay

BUMAGSAK sa piitan ang 49-anyos construction worker matapos saksakin ang kainuman nang mapikon sa tuksuhan, sa Barangay Sucat, Muntinlupa City, kamakalawa.

Patuloy na inoobserbahan sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Jaime Murillo, 42 anyos, ng South Daanghari, Taguig City habang nakapiit sa Sucat Police Sub-Station ang suspek na si Marcelo Gwanon, ng Avocado St,. Purok 6, Tramo Heights, Brgy. Sucat.

Ayon sa ulat ng Muntinlupa City Police, dakong 12:15 pm nitong 21 Pebrero nang mangyari ang pananaksak sa nasabing lugar.

Sa ulat, ang dalawa ay nag-iinuman at habang nagkukuwentuhan ay naasar umano ang suspek nang siya na ang patamaan ng biktima ng panunukso.

Nang mapuna ng biktimang si Murillo na galit na ang suspek ay umalis sa inuman para hindi na humaba pa ang usapan pero lingid sa kanya’y sinundan siya ni Gwanon.

Nagtatakbo ang biktima pero inabutan siya ng suspek at tinarakan sa likod ng Swiss knife na may habang 9 pulgada.

Nadakip ng mobile patrol ng Sucat Police ang suspek at nakuha ang patalim na ginamit sa pananaksak sa biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …