Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Kelot timbog sa granada at boga (Dumayo sa Taguig)

HINDI akalain ng 29-anyos lalaki na dumayo sa Taguig City na mabubukong may dala siyang granada at baril nang sitahin dahil walang suot na facemask habang nakatayo sa tabi ng scooter kamakalawa.

Walang nagawa ang suspek nang hulihin ng mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Taguig City Police Station, na kinilalang si Rex Pereda, ng St. Francis St., Oranbo Pasig City at may ibang address sa Barangay Sta. Ana, Lupang Arienda, Taytay Rizal.

Kinapkapan sa baywang si Pereda kaya nabisto ang Magnum 22 revolver at belt bag na may lamang granada.

Batay sa ulat, dakong 12:20 pm nitong Linggo nang sitahin ng mga tauhan ng Intelligence Section sa isinagawang anti-criminality operation habang nakatayo sa tabi ng SYM motorcycle na may plakang BA 97500 malapit sa Shane Store, sa Capistrano St., Brgy. Hagonoy, Taguig City.

Malayo pa ang mga awtoiridad nang mapansin na walang suot na facemask ang suspek at nang lalapitan ay napuna ang nakabukol sa baywang na sa huli ay nadiskubreng baril.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa City Ordinance #12 series 2020 sa hindi pagsusuot ng face mask; Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives). (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …