Saturday , November 16 2024

‘Aleng Pulis’ nawawala sa Cagayan

PINAGHAHANAP ng kaniyang mga kabaro ang isang babaeng pulis na nakatalaga sa bayan ng Lasam, lalawigan ng Cagayan, na naiulat na nawawala simula noong Huwebes, 18 Pebrero.

Kinilala ang nawawalang kagawad ng pulisya na si P/MSgt. Jovelyn Camangeg, 40 anyos, residente sa Centro 2, ng naturang bayan.

Ayon kay P/Lt. Col. Amdree Abella, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, iniulat sa PRO 2 Headquarters ni Jemma Camangeg, 49 anyos, na nawawala ang kanyang kapatid na si Jovelyn.

Ayon kay Jemma, katatapos dumalo ni Jovelyn sa Integrated Transformation Program Seminar (ITP) sa pamamagitan ng Zoom mula 11-17 Pebrero.

Umalis umano ang kapatid dakong 5:00 am noong Huwebes patungo sa lungsod ng Tuguegarao upang mag-apply ng loan at kunin ang kanyang inorder na kape na ihahatid niya sa bayan ng Solana.

Huling nakitang nagmamaneho si Camangeg ng kaniyang kulay kahel na Toyota Wigo, may conduction sticker na BA1788, nakasuot ng maong na pantalon at berdeng kamiseta na may tatak na “Pulis.”

Mula rito ay hindi na nakauwi si Jovelyn at ‘out of coverage’ na ang kanyang cellphone, ayon sa kanyang kapatid.

Samantala, sinabi ni Abella na hindi titigil ang Cagayan Valley police para matukoy kung nasaan ang Aleng Pulis.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *