Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rabiya Mateo, binasag ang paniwala ni Duterte

HINDI umayon si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pambabae ang trabaho bilang Pangulo ng isang bansa.

Sagot ito ni Rabiya sa ilang online interview sa kanya ng Missosology sa YouTube na in-upload noong February 13, Sabado.

Magalang na pasakalye ni Rabiya sa mahaba n’yang sagot: ”I do respect the President, but I completely disagree with this thought.

“In our country, we already have two female leaders and by doing that, women are as capable as men in handling a nation.”

Ang tinutukoy niya ay sina Cory Aquino at Gloria Macapagal Arroyo.

Binanggit din ni Rabiya ang magandang ehemplo na ipinamalas ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern. Hinangaan ng maraming bansa ang pamumuno ni Ardern sa New Zealand sa gitna ng pandemya.

Sa limang milyong populasyon nito, 2,300 kaso ng Covid-19 lamang ang naitala at 25 lang ang nasawi nang magsimula ang pandemya isang taon na ang nakalilipas.

Actually, ipinahayag ni Pres. Duterte ang saloobin n’ya tungkol sa kung ano ang dapat na maging gender ng isang pangulo noong in-announce n’yang ‘di n’ya ineenganyo ang anak n’yang si Sarah Duterte na kumandidato sa pagkapangulo

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …