Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pilot ng OML, may kurot agad

MARAMI ang nagandahan sa pilot episode ng Owe My Love na Ipinalabas nitong Lunes, Pebrero 15. Bida rito sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Bukod sa saya at kilig, may mga matindi rin itong eksena na papatok sa mga manonood. Isa sa mga tumatak sa first episode ay ang madamdaming eksena nina Doc Migs (Benjamin) at Lolo Badong (Leo Martinez). Si Lolo Badong ay may sakit na dementia at hindi na niya nakikilala ang apong si Migs. May kurot sa damdamin noong hinahanap ni Lolo Badong si Migs kahit nasa harap niya ito.

“Maganda ang role ko rito dahil it touches on senior citizens. Ipinakikita rito ang mga problema at concerns ng senior citizens—na kailangang pagtuunan natin ng pansin ang mga senior sa ating bayan. Mayroon po silang mga pangangailangan at concerns,” ani Leo sa virtual media conference ng Owe My Love.

May bago na namang aabangan ang viewers gabi-gabi. Mapapanood ang Owe My Love mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …