Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Patay na naman si Juan dela Cruz sa LTO

PATAY at gastos na naman si Juan de la Cruz sa gimik ng Land Transportation Office (LTO) hinggil sa mga safety seat ng mga batang 4-12 gulang na umano’y para sa sarili nilang kapakanan at kaligtasan.

Simula sa araw na ito ay obligadong bumili ng mga safety seat ang lahat ng may pribadong sasakyan para sa kanilang mga anak, kamag-anak o sinumang bata na kanilang lulan, may edad 4-12.

Ang safety seat ay sariling silya na ikakabit sa likod ng kanilang sasakyan na may sariling safety seat belt na kakabit sa katawan ng bata nilang lulan.

Mula rin sa araw na ito ay hindi na rin pwedeng umupo sa harapan ng maski na anong sasakyan ang mga batang nasa ganong edad.

E magkano naman kaya ang halaga ng silyang ito he   he he… ayon na rin sa nasabing ahensiya, ito raw ay nagkakahalaga ng P4,000-P12,000 segun kung papasa sa standard ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kung sakaling mahigit sa isa ang kasama mong supling na nasa ganong edad, ‘e di obligadong dalawa o higit pang silya ang bibilhin mo, di po ba?

Maraming nagtatanong kung bakit sa panahon pa ng pandemya sinabay ng LTO ang kanilang pagpapatupad ng kanilang kautusan gayong alam naman nilang hikahos at hirap sa buhay ang lahat ng tao sa kasalukuyan.

‘Di na sana bale kung ang halaga nito ay parang kendi lang o tsokolate ngunit P4,000 at mahigit pa ang presyo nito na sana’y sa pagkain o gamot na lang mapunta.

Mantakin kung gaano kalaki ang halagang ito ngayong panahon ng pandemya na maraming kababa­yan natin ang nawalan ng hanapbuhay at halos walang makain.

‘Di po ba malaking kaloko­han at wala sa timing ang ganitong panukala? Ano naman kaya ang pumasok sa mga kukote ng mga taong ito. he he he…

Baka naman masayang na naman ang pera at oras ng mga tao gaya ng nangyari noong nakaraan na lahat ng driver ng motorsiklo ay obligadong may barrier sa likod para maiwasan daw ang paglaganap ng CoVid19, Anyare?

Sa ngayon ay hindi na ginagamit ang mga barrier na ang halaga ay nasa isang libo rin. Sayang ‘di po ba, imbes pambili ng ibang bagay na higit na mahalaga.

Necessity nga siguro ngunit di pa siguro sa panahong ito na lumalabas ang luxurious and safety seat at saka bawal pa yatang lumabas ang mga bata lalo sa ganoong edad.

Ano kaya ang purpose at motibasyon ng kinauukulan sa pagpaatupad nito? Pansarili bang kapakanan sa kabila ng hirap at sakripisyo ni Juan de la Cruz, have mercy!

 

WALANG-DUDA, SUPER-LAKAS TALAGA NG BAGMAN NG MPD-PS2 SA KOMITE

Walang duda na super-lakas talaga ang bag man o enkargado ng Manila Police District (MPD-PS2) sa mga taong malalapit kay Yor-me Isko Moreno.

Sinabi ng nag-iiyakang mga vendor at mga kapitalista ng illegal vices, walang ipinagkaiba sa kanyang ipina-tutupad na kalakaran ang bag-man ng nasabing estasyon na kinilalang si Tata Jay R. at Tata Bunso.

Hanggang ngayon daw ay patawa-tawa at relax na relax ang dalawa na para bang sinasabing hindi n’yo kami kaya, mabigat ang padrino namin.

Balewala rin daw ang unang ulat hinggil sa aktibidad ng dalawa sa kahabaan ng Dagupan st., C.M. Recto Avenue at Assuncion na kung saan nag-iiyakan ang mga vendor sa laki ng tarang hinihingi.

Gayondin ang hinagpis ng mga kapitalista, kobrador at mga personnel sa likod ng bookies, Easy 2, jueteng at iba pa. Halos isang taon daw silang walang kayod at ngayon lang nagsimula kung kaya’t konting unawa at intindi lang ang kanilang hinihingi.

Malakas man daw o hindi ang dalawa, wala silang magagawa at ang tanging nais lang nila ay konting konsiderasyon.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *