Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Marines timbog sa Makati police

TIMBOG ang isang retiradong miyembro ng Philippine Marines sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Makati Police at nakompiska ang mahigit P1-milyong halaga na hinihinalang shabu sa Barangay West Rembo, Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police chief, P/Colonel Harold Depositar, ang suspek na si Rufino Advincula, Jr., alyas Yubert, 53 anyos, ng 123 Block 5 Avocado St., Brgy. West Rembo, Makati City.

Base sa ulat, kumagat ang suspek sa ipinain na P50,000 para sa binibiling shabu ng poseur-buyer dakong 6:15 pm nitong Martes.

Nasa kabuuang 200 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga operatiba, may street value na P1,360,000 at nabawi rin ang buy bust money na pawang boodle money at inihalong 2 genuine P1,000 bills.

Nahaharap sa paglabag sa Section 5 at 11 ng  Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerou Drugs Act of 2002 ang nakapiit na suspek.

May impormasyon ang suspek na dati nang nahulihan ng ilegal na droga.  (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *