Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Viewers nakare-relate sa karakter ni Paul

MARAMI na ang tinatamaan ng second-syndrome sa character ni Paul Salas sa fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.

Ginagampanan ni Paul ang role ni Frank, best friend ni Apple (Mikee Quintos) at karibal ni Chef Harvey (Kelvin Miranda).

Malaki ang pasasalamat ni Paul sa mga nagsasabing nakare-relate sila sa karakter niya sa seryeng gabi-gabi ay tinututukan ng viewers.

Hirit pa ni Paul, sana ay mas mahalin pa nila si Frank habang tumatagal ang series. ”Sana po lalo pa nilang mahalin ang character ni Frank kasi for sure may Frank din sila sa buhay nila,” say niya na ang tinutukoy ay ang pagiging loyal sa mga taong mahal nila.

Sobrang saya rin ni Paul dahil sa nabubuong Team Frank vs. Team Harvey, pero in real life ay walang competition sa kanila ni Kelvin. ”Ang importante lang sa amin ay magawa namin ng mabuti at 100 percent ang bawat characters namin, so sana suportahan nila ang mga susunod na episodes ni Frank. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nanonood gabi-gabi at sana subaybayan nila kami hanggang dulo.”

Mapapanood ang The Lost Recipe, Mondays to Fridays, 8:00 p.m., sa GMA News TV.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …