Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Prima Donnas trending

PATINDI nang patindi ang mga eksena at rebelasyon sa GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas kaya naman hindi kataka-taka na lagi itong trending at patuloy ding namamayagpag sa ratings.

Sa katunayan, nitong Huwebes (February 4) ay nakakuha ang Prima Donnas ng overnight NUTAM People rating na 13.4%, ayon sa data ng Nielsen Phils.

Sa naturang episode kasi ay muling pina-DNA ni Jaime (Wendell Ramos) si Brianna (Elijah Alejo) matapos sabihin ni Lilian (Katrina Halili) na dalawa lang ang anak nina Jaime at Maita (Glaiza De Castro), sina Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo). Ito ang dahilan kung bakit nabuking ni Jaime na isa palang pekeng Claveria si Brianna.

Bukod sa mataas na ratings, certified trending din ang nangyaring rebelasyon dahil sa loob lang ng ilang oras ay pumalo na ng mahigit 1 million views at number 4 trending topic sa YouTube ang eksena nina Jaime at Brianna.

Sigaw naman ng viewers at netizens na sana ay ma-extend o di kaya’y magkaroon ng book 2 ang serye.

Patuloy na tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA-7.

(JOE BARRAMEDA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …